Bagyo na binabantayan ng PAGASA papasok sa bansa sa Miyerkules ng gabi

By Dona Dominguez-Cargullo October 24, 2017 - 06:27 AM

Isang tropical depression ang binabantayan ngayon ng PAGASA sa silangang bahagi ng Mindanao.

Nasa labas pa ito ng bansa at na sa layong 2,145 kilometers East ng Mindanao.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Ayon kay PAGASA forecaster Lorie Dela Cruz, sa Miyerkules ng gabi ito papasok sa bansa at papangalanang Quedan.

Sa ngayon ay wala pa itong epekto sa bansa at tanging ang ITCZ ang weather system na naka-aapekto sa Southern Luzon at Visayas.

Ang nasabing ITCZ ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng pagbaha at landslides sa Mindanao, Western Visayas at Palawan.

Isolated na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa sa hapon o gabi dahil sa thunderstorms.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ITCZ, Pagasa, quedan, Tropical Depression, Weather in Philippines, ITCZ, Pagasa, quedan, Tropical Depression, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.