Ito ang paniniwala ng Task Force Bangon Marawi na nakatoka sa rehabilitasyon ng lungsod mula sa limang buwang bakbakan sa pagitan ng mga pwersa ng gobyerno at teroristang Maute Group.
Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, hindi ito magiging “setback” dahil marami na rin naman silang natatanggap na pledges at suporta mula sa iba’t ibang sektor.
Magiging bukas din naman aniya sila sa pag-evaluate sa mga pledges at suporta na ibibigay para sa muling pagbangon ng Marawi.
Ayon pa kay Purisima, nagsimula nang magpulong ang Finance and Resource Management Subcommittee ng Task Force upang pag-usapan ang mga terms sa pagtanggap ng mga grants at donasyon.
Dagdag pa niya, tumutulong na din naman ngayon ang World Bank pati na ang Asian Development Bank.