Mga magulang ni Carl Arnaiz, umapela ng mabilis na resolusyon sa kaso ng pagkamatay ng anak

By Kabie Aenlle October 24, 2017 - 03:40 AM

 

Nanawagan ang mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz sa Department of Justice (DOJ) para mabilis na maresolbahan ang kasong murder, torture at planting of evidence laban sa mga pulis at sa taxi driver na sangkot sa pagkamatay na kanilang anak.

Sa reply affidavit nina Carlito at Eva Arnaiz, iginiit nilang ang hindi agad na paglalahad ng katotohanan ng taxi driver na si Tomas Bagcal tungkol sa pagkamatay ng kanilang anak ay patunay lamang na may kinalaman at kasabwat siya sa pagpatay kay Carl Angelo dahil pinagtatakpan niya rin ang ginawa ng mga pulis.

Naging pabago-bago kasi ang mga detalyeng ibinigay ni Bagcal sa ilang beses niyang pagbibigay ng pahayag.

Matatandaang dalawang affidavit mula kay Bagcal ang hawak ng pulisya, ngunit iginiit ng driver na pinilit lang siya ng mga pulis na pirmahan ang mga ito.

Ipinagkaila din ni Bagcal na sa kaniya nanggaling ang mga nakalahad sa dalawang affidavit na nasa pulisya, at iginiit na ang written affidavit niya na isinumite din sa imbestigasyon sa Senado ang naglalaman ng katotohanan.

Gayunman, ginamit pa rin nina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita ang ikalawang affidavit ni Bagcal.

Binigyan naman na ng DOJ ang mga pulis at si Bagcal ng hanggang October 26 para magsumite ng isang rejoinder.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.