Pinaniniwalaang isang uri ng ‘revenge campaign’ ang ipinaiiral ngayon ng extremist group makaraang mag-collapse ang kanilang ‘caliphate’ nitong nakaraang linggo sa naturang bansa.
Ayon sa Britain-based monitoring group na Syrian Observatory for Human Rights, mahigit sa isandaang sibilyan ang minasaker ng ISIS sa Al-Qaryatain sa loob ng tatlong linggo bago ang pagbagsak ng Raqqa.
Inakusahan umano ang mga residente ng naturang lugar ng ISIS na nakikipagsabwatan sa puwersa ng gobyerno.
Nang muling mabawi ng mga sundalo ang lugar, natagpuan ang mga nagkalat na bangkay sa mga lansangan, ayon sa grupo.
Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng tama ng bala at ang iba ay may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang madiskubre ng mga otoridad.