116 sibilyan, minasaker ng mga tumatakas na ISIS sa Syria
Umaaabot sa 116 na bangkay ng mga sibilyan g ang nadiskubre ng mga otoridad sa disyerto ng Syria na hinihinalang mga pinatay ng mga miyembro ng Islamic State ilang araw bago ang collapse ng kanilang stronghold sa Raqqa.
Pinaniniwalaang isang uri ng ‘revenge campaign’ ang ipinaiiral ngayon ng extremist group makaraang mag-collapse ang kanilang ‘caliphate’ nitong nakaraang linggo sa naturang bansa.
Ayon sa Britain-based monitoring group na Syrian Observatory for Human Rights, mahigit sa isandaang sibilyan ang minasaker ng ISIS sa Al-Qaryatain sa loob ng tatlong linggo bago ang pagbagsak ng Raqqa.
Inakusahan umano ang mga residente ng naturang lugar ng ISIS na nakikipagsabwatan sa puwersa ng gobyerno.
Nang muling mabawi ng mga sundalo ang lugar, natagpuan ang mga nagkalat na bangkay sa mga lansangan, ayon sa grupo.
Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng tama ng bala at ang iba ay may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang madiskubre ng mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.