Binatilyo patay matapos mabangga ng ambulansya sa Samar

By Kabie Aenlle October 24, 2017 - 12:33 AM SHARE(S):

 

Nasawi ang isang binatilyo matapos siyang masagasaan ng ambulansyang pag-aari ng munisipyo, habang siya ay papunta sa kaniyang paaralan sa bayan ng Santa Rita sa Samar.

Dead on the spot ang 13 taong gulang na Grade 7 student ng Tominamos Integrated School na si Ricardo Cajife nang mabangga siya ng ambulansyang pag-aari ng lokal na pamahalaan ng San Isidro, Northern Samar.

Ayon kay PO3 Randy Costelo ng Sta. Rita Municipal Police Station, patungo sana sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) sa Tacloban City, para dalhin doon ang isang pasyenteng na-stroke.

Kwento pa ni Costelo, tumatawid si Cajife kasama ang tatlong iba pang estudyante papunta sa kanilang paaralan, nang bigla siyang mabanggga ng ambulansyang may plakang OW 7918 at minamaneho ni Arnel Ompod.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang estudyante na kaniyang ikinasawi.

Hindi naman nasaktan ang tatlong estudyante pa niyang kasabay.

Sa ngyon ay nakapiit sa police station ang driver ng ambulansya na maaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.