Ito ay matapos na iparating sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang impormasyong sa halip na sa pagtatapos ng taong ito, ay effective immediately na ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.
Bago bumaba sa puwesto, nakipag-usap pa muna si Bautista sa kanyang staff at ilang senior election officials at kay Commissioner Sheriff Abbas.
Nagawa rin nitong magpaalam sa ilang mga kawani ng Comelec.
Ayon kay Bautista, magkahalong emosyon ang kanyang naramdaman sa kanyang pagbaba sa puwesto bilang Comelec chair.
Sa ngayon aniya ay kanyang tututukan muna ang pamilya ngayong isa na siyang sibilyan.
Ipinauubaya na rin ni Bautista sa Kongreso kung itutuloy pa ang kasong impeachment laban sa kanya.
Dapat sana ay hanggang 2022 pa si Bautista sa puwesto.