Mga Senador, hindi bilib sa kasong treason na isinampa ng DOJ vs Trillanes

By Ruel Perez October 24, 2017 - 02:24 AM

 

Walang nakikitang dahilan si Senator Chiz Escudero para sampahan ng Department of Justice ng kasong treason o pagtatraydor sa bayan si Senador Antonio Trillanes IV.

Kaugnay ito ng pagkikipagpulong ni Trillanes kay US Senator Marco Rubio kung saan kanilang tinalakay ang hinggil sa PH-US alliance, gayundin ang mga isyu ng corruption at human rights situation sa Pilipinas.

Paliwanag ni Escudero, bagaman may kapangyarihan ang DOJ, sa pamamagitan ng NBI na imbestigahan si Trillanes, duda naman ang senador na papasok ito sa kasong treason.

Giit ni Escudero, posible anyang ito rin ang dahilan kung bakit dumistansya na rin ang Malakanyang sa nabanggit na usapin.

Samantala, sinabi naman ni Senador Gringo Honason na base sa kanilang tradisyon sa PMA, hindi nila agad hinuhusgahan ang motibo ng kanilang kasamahan.

Sa halip, hinikayat ni Honasan ang lahat na tutukan na lang ang magandang aspeto ng ating bansa at ang pagbibilang ng ating mga blessings, gayundin ang pagpapalakas sa ating pagkakaisa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.