Presyo ng gasolina at diesel muling tataas bukas

By Den Macaranas October 23, 2017 - 08:13 PM

Inquirer file photo

Muling magpapatupad bukas ng umaga ng dagdag singil sa kanilang mga produktong petrolyo ang ilang mga kumpanya ng langis.

Sa inilabas na advisory ng Petron, Shell, Chevron, Seaoil, PTT, Unioil, Jetti, Clean Fuel at Metro Oil aabot sa P0.35 ang dagdag sa singil ng kada litro ng diesel, may dagdag naman na P0.65 para sa gasolina samantalang walang paggalaw sa halaga ng keresone o gaas.

Noong nakalipas na weekend ay nagpahiwatig na rin ang Department of Energy ng oil pricer hike sa linggong ito.

Sinabi ng DOE na ang panibagong dagdag singil sa presyo ng gasolina at diesel ay dahil sa paggagaw ng halaga ng nasabing mga petroleum products sa world market.

Nagpatupad rin ng dagdag na singil sa kanilang produkto ang mga oil companies noong nakalipas na linggo.

TAGS: diesel, DOE, gasoline, keresone, price hike, diesel, DOE, gasoline, keresone, price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.