Pero hindi tulad ng kanyang pahayag na sa katapusan pa ng taon ang effectivity ng kanyang pagbibitiw dahil ang gusto ng pangulo ay “effective immediately” ang kanyang pagbaba sa pwesto.
Nangangahulugan ito na hanggang ngayong araw na lamang sa kanyang pwesto ang pinuno ng Comelec.
Sinabi ni Bautista na sinulatan na rin siya ni Executive Sec. Salvador Medialdea at ipinaliwanag sa kanya ang desisyon ng pangulo.
Ipinaliwanag ng Comelec official na iginagalang niya ang naging desisyon ng pangulo sa kanyang pagbaba sa pwesto.
Kamakailan ay na-impeached sa Kamara si Bautista dahil sa iba’t ibang mga bintang tulad ng umano’y pagkakamal niya ng P1 Billion na unexplained wealth.
Nauna na ring sinabi ng liderato ng Senado na balewala na ang impeachment complaint laban kay Bautista dahil sa nauna na niyang isinumiteng resignation letter sa pangulo.