Police visibility sa mga matataong lugar tiniyak sa undas

By Cyrille Cupino October 23, 2017 - 06:12 PM

Inquirer file photo

Kasado na ang taunang Oplan Kaluluwa ng Philippine National Police para sa Undas 2017.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, sakop ng Oplan Kaluluwa ang seguridad sa lahat ng sementeryo at iba pang matataong lugar, kabilang ang mga airports at bus terminals.

Ayon kay Dela Rosa, ang kanilang paghahanda ngayong taon ay katulad pa rin ng kanilang naging paghahanda sa mga nagdaang taon para sa obserbasyon ng araw ng mga kaluluwa sa November 1.

Paalala ng PNP Chief sa publiko, huwag iwanang walang bantay ang mga bahay at kung maari ay huwag sabay-sabay na dumalaw sa mga sementeryo.

Paliwanag ni Bato, maaring samantalahin ng mga masasamang-loob ang okasyon at nakawan ang mga bahay na walang tao.

TAGS: dela rosa, PNP, police visibility, undad, dela rosa, PNP, police visibility, undad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.