Mga tauhan ng Caloocan PNP nagsumite na ng sagot sa Kian slay case
Nagsumite na ng counter affidavit sa Department of Justice ang mga miyembro ng Caloocan Police Station na itinuturong suspek sa pagpatay kay Kian delos Santos.
Sa harap ng panel of prosecutors ng DOJ at kasama ang kanilang abogado na si Atty. Oliver Yuan, pinanumpaan ng mga akusado ang kanilang mga counter affidavit.
Binigyan ng DOJ panel ng kopya ng mga counter affidavit ang Public Attorneys Office (PAO) na nagpahayag ng intensyon na maghain ng sagot sa susunod na preliminary investigation sa October 25.
Maghahain naman ng rejoinder ang kampo ng Caloocan Police Station sa magiging reply ng PAO sa darating na October 27.
Hindi nakarating sa P-I at nakapagsumite ng kanyang counter affidavit ang isa sa suspek na si PO1 Ronald Herrera na dumalo sa isang court hearing sa Caloocan City.
Ibig sabihin nito, waived na ang karapatan nito na magsumite ng counter affidavit.
Nangako naman ang DOJ panel of prosecutors na reresolbahin sa lalong madaling panahon ang kaso at posibleng maglabas sila ng resolusyon sa kaso sa ikalawang linggo ng Nobyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.