Sara Duterte hindi tatakbong senador sa 2019

By Den Macaranas October 23, 2017 - 04:02 PM

Inquirer photo

Walang balak na tumakbo bilang senador sa 2019 si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi ni Inday Sara na mas gugustuhin niyang tumakbo bilang kinatawan sa Kamara ng 1st District ng Davao City kung siya ang tatanungin.

Ito ang ginawang paglilinaw ng presidential daughter makaraang sabihin ng ilang mga opisyal ng kanilang partido na PDP-Laban na pwede silang maglaan ng isang slot para nasabing opisyal kung tatakbo ito bilang senador sa 2019.

Samantala, pinangunahan kaninang umaga ni Duterte ang lunaching ng “Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines” sa Bonifacio Global City sa Tauig City.

Sinabi ng Alkalde na ito ang kanilang pantapat sa mga grupong naninira at balak magpabagsak sa administrasyon ng kanyang ama.

Sa kanyang talumpati, hinimok ni Duterte ang bawat Pinoy na magkaisa na para sa ikauunlad ng ating bansa.

Masyado na umano nahati ang Pilipinas dahil sa iba’t ibang kulay ng pulitika.

Kabilang sa mga present sa pagtitipon kanina ay sina dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada, Presidential Spokesperson Ernesto Abella, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Energy Secretary Alfonso Cusi, Ilocos Norte Governor Imee Marcos,Taguig City Mayor Lani Cayetano, Philippine Amusement and Gaming Corp. Chairman Andrea Domingo at PCOO Asec. Mocha Uson.

TAGS: Congress, Davao City, Sara Duterte, senador, tapang at malasakit, Congress, Davao City, Sara Duterte, senador, tapang at malasakit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.