Mga pulis na lumaban sa Marawi may special treat mula kay Dela Rosa

By Cyrille Cupino October 23, 2017 - 03:35 PM

Inquirer file photo

Handang ipasyal ni PNP Chief Dir. General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga pulis na hindi makakasama sa trip to Hong Kong na pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalong lumaban sa Marawi City.

Ayon kay Dela Rosa, hindi siya sigurado kung kasama sa planong pag-pasyal sa Hong Kong ang mga miyembro ng Special Action Force at mga pulis na tumulong sa pakikipagbakbakan sa nasabing lungsod.

Dahil dito, handa naman umano siyang ipasyal sa isang theme-park sa Sta. Rosa, Laguna ang mga pulis, o kaya naman ay dalhin sila sa Tagaytay City.

Dagdag pa ni Bato, pakakainin pa niya ng mainit na bulalo ang mga SAF troopers na balik-Maynila na sa Miyerkules.

Ayon kay Bato, hindi man trip to Hong Kong ang kanyang kayang ibigay sa mga pulis, sapat na rin umano ito upang magpakita ng pasasalamat at pagkilala sa ginawang kabayanihan ng SAF troopers na lumaban rin sa giyera sa Marawi City.

Sa tala ng pamahalaan, pitong mga SAF troopers ang kasama sa mga casualties sa tropa ng gobyerno.

TAGS: dea rosa, duterte, Hongkong, marawi, Maute, PNP, SAF, dea rosa, duterte, Hongkong, marawi, Maute, PNP, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.