7 SAF Troopers kabilang sa mga patay sa bakbakan sa Marawi City

Inquirer photo

Pitong pulis ang nalagas sa limang buwang pakikipag-laban ng mga tropa ng pamahalaan kontra mga terorista sa Marawi City.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, pitong miyembro ng police force ang naitalang killed-in-action (KIA).

Kabilang ang pitong nasawing pulis sa kabuuang bilang na 165 na nalagas sa panig ng gobyerno.

Samantala, aabot naman umano sa 61 na pulis ang sugatan, o wounded-in-action sa katatapos lamang na giyera sa Marawi City.

Ayon kay Dela Rosa, sa darating na Miyerkules, makakauwi na rin ang mga miyembro ng Special Action Force na tumulong sa pagtugis sa mga terorista.

Paliwanag ng PNP Chief, bagamat hindi masyadong nabigyang pansin ang mga SAF troopers sa bakbakan sa Marawi, alam ng Armed Forces of the Philippines kung ano ang naging kontribusyon ng SAF upang makatulong para matapos na ang giyera na tumagal ng limang buwan.

Read more...