Bureau of Immigration naka-alerto para sa ASEAN Summit sa bansa

By Alvin Barcelona October 23, 2017 - 03:19 PM

Radyo Inquirer file

Itinaas na sa heightend alert ngayon ang alerto ng lahat ng mga opisyal at ahente ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at lahat ng port of entries sa bansa.

Ang direktiba ay ginawa ng B.I para sa nalalapit na Association of South East Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit at iba pang preparatory meeting na idinadaos ngayon sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.

Nabatid na inatasan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente si B.I Ports Operation Division Chief Marc Red Mariñas na itaas nito ang alarma sa lahat ng point of entries para mapigilan ang posibleng pagpasok sa bansa ng mga international terrorists na posibleng maghasik ng kaguluhan kasabay ng ASEAN events.

Kaugnay nito, nakikipag ugnayan na ang B.I sa iba pang law enforcement at intelligence agencies ng gobyerno at sa mga counterparts nito sa ibang bansa para matiyak na magiging mapayapa ang pagdaraos sa bansa ng nasabing summit.

Sa Nobyembre ay magsisilbing host ang Pilipinas ng ASEAN Summit na dadaluhan ng mga head of states ng iba’t ibang bansa kabilang ang U.S, Japan at China.

Dahil sa direktiba ni Morente, nag-isyu si Morente ng memorandum na nag-uutos sa lahat ng immigration personnel sa lahat ng airports at seaports na magpa-iral ng high state of alert.

TAGS: Asean, duterte, morente, Asean, duterte, morente

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.