Katawan ng 40 nasawing terorista natagpuan ng tropa ng pamahalaan

By Inquirer.net October 23, 2017 - 12:58 PM

Pinaniniwalaang na-recover na ng tropa ng pamahalaan ang isang gusali na huling pinagkutaan ng pro-Islamic State group militants sa Marawi City.

Sa nasabing gusali, aabot sa 40 katawan ng mga terorista ang natagpuan ng mga sundalo.

Sa ulat ng Associated Press, dahil sa panibagong development, anumang oras ay inaasahan na ang deklarasyon ng pagtatapos ng kaguluhan sa Marawi.

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka-confine na lang sa isang gusali ang main battle area at doon nagsasama-sama ang nasa 30 pang mga terorista at ang iba ay kasama ang kanilang misis.

Hindi naman pa ibinibigayng AFP ang detalye kung paanong natagpuan ang nasa 40 katawan ng mga terorista sa dalawang palapag na gusali malapit sa Lake Lanao.

Ayon sa source ng AP, posibleng nagpakamatay na lamang ang ilan sa mga ito dahil na-corner na sila ng tropa ng gobyerno.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ISIS, Marawi City, Maute Terror Group, Radyo Inquirer, Terrorism, ISIS, Marawi City, Maute Terror Group, Radyo Inquirer, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.