Ang nasabing mga petsa ay pumapatak sa araw ng
Lunes, Martes at Miyerkules.
Sa proclamation number 332 ng Malakanyang nakasaad na ang deklarasyon ay dahil sa mga aktibidad na isasagawa sa NCR at Clark Field, Pampanga na dadaluhan ng mga ASEAN Leaders at ASEAN Dialogue Partners.
Ang ASEAN 2017 National Organizing Council ang nagrekomenda ng deklarasyon.
Nilagdaan ni Pangulong Dutertre ang proklamasyon, Lunes, Oct. 23.
Nauna rito, nagdeklara na ng suspensyon ng klase sa Metro Manila sa lahat ng antas ang Metro Manila Council para sa petsang Nov. 16 at 17.
Dahil dito, limang araw na walang pasok ang mga mag-aaral sa NCR mula Nov. 13 hanggang 17.