Reklamong katiwalian ang inihain ng Department of Transportation o DOTr sa Office of the Ombudsman laban sa mga dating opisyal ng Department of Transportation and Communication o DOTC at Busan Universal Rails Incorporated o BURI.
Ito’y kaugnay sa mga umano’y kwestyonableng kontrata na pinasok para sa Metro Rail Transit o MRT sa BURI.
Bitbit ang makapal na kopya ng reklamo at iba pang dokumento, inihain ng DOTr sa pangunguna ni Undersecretary for legal affairs Atty. Rainier Yebra ang graft case.
Ang mga respondent ay kinabibilangan nina:
Former DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya
Former DOTC Undersecretary Edwin Lopez
Former DOTC Undersecretary Rene Limcauco
Former DOTC Undersecretary Catherine Jennifer Gonzalez
Former MRT 3 General Manager Roman Buenafe,
Former Assistant Secretary Camille Alcaraz ng Bids And Awards Committe; at mga opisyal ng BURI.
Ayon kay Yebra, kailangang managot ang mga dating opisyal ng DOTC dahil sa palagiang aberya sa MRT.
Akma aniya ito sa naisin ni DOTr Secretary Arthur Tugade na magkaroon ng pagbabago sa MRT.
Top priority rin aniya ng DOTr ang mga mananakay na laging apektado kapag may problema sa mga tren.