Walang terror threats sa Metro Manila sa Undas at ASEAN

By Dona Dominguez-Cargullo October 23, 2017 - 09:55 AM

Inquirer File Photo

Walang namomonitor na banta ng terorismo ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila para sa nalalapit na paggunita ng Undas at pagdaraos ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Ginawa ni NCRPO Director Oscar Albayalde ang pahayag matapos ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na nasa paligid lamang ang banta ng terorismo.

Ayon kay Albayalde, patuloy ang paghahanda ng NCRPO para sa paggunita ng Undas at sa ASEAN Summit.

Sa Undas, magpapakalat ng 2,500 na pulis sa 82 mga sementeryo sa Metro Manila gayundin sa mga pier at bus stations.

Muli namang pinaalalahanan ni Albayalde ang publiko na iwasan na ang pagdadala ng mga bawal na gamit sa mga sementeryo.

Samantala, para naman sa ASEAN Summit, magtutuloy-tuloy ang pagsasagawa ng mga dry run para masanay ng husto ang pulisya sa ipatutupad na seguridad.

 

 

 

 

 

TAGS: Asean summit, Metro Manila, NCRPO, terror threat, Undas, Asean summit, Metro Manila, NCRPO, terror threat, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.