Muling nahalal si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at mayorya ng kaniyang koalisyon ay nagawagi sa katatapos lamang na general election sa Japan.
Sa kaniyang pagkapanalo, sinabi ni Abe na pangunahin niyang tututukan ang banta sa seguridad mula North Korea.
Sa ulat ng mga mamamayag sa Japan, ang Liberal Democratic Party-led (LDP) coalition ni Abe ay nakakuha ng 312 na pwesto dahilan para mapanatili nila ang two-thirds “super majority”.
Si Abe ay nahalal sa pwesto mula pa noong taong 2012.
Naganap ang eleksyon sa Japan noong Linggo sa kasagsagan ng pananalasa ng Typhoon Lan sa ilang bahagi ng Japan.
MOST READ
LATEST STORIES