2 patay, 10 sugatan sa pananalasa ng Typhoon Lan sa Japan

By Dona Dominguez-Cargullo October 23, 2017 - 08:22 AM

Dalawa na ang nasawi at sampu ang nasugatan sa pananalasa ng Typhoon Lan sa central Japan.

Pinalilikas na rin ang libu-libong mga residente na naninirahan sa coastal areas dahil sa epekto ng Typhoon Lan na inilarawan bilang “very large and very strong” na bagyo.

Tumama na ang nasabing bagyo sa kalupaan ng Shizuoka na nasa southwest ng Tokyo kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Japan meteorological agency, 198 kilometers per hour ang pagbugso ng bagyo.

Dahil sa sama ng panahon, nagkansela na ri ng biyahe ng mga tren at nakapagtala ng problema sa biyahe ng “Shinkansen” bullet trains sa nakalipas na magdamag dahil sa mga naranasang blackout.

Umabot na rin sa halos 300 flights ang kanselado.

Isa sa mga nasawi ay isang lalaki na tinamaan gumuhong scaffolding habang naglalakad sa isang construction site sa Fukuoka.

Isang 70-anyos na lalaki naman ang nalunod makaraang tumalon mula sa sinasakyang bangka na binayo ng malakas na alon at hangin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2 dead, Japan, Radyo Inquirer, Typhoon Lan, 2 dead, Japan, Radyo Inquirer, Typhoon Lan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.