Japanese PM Shinzo Abe, inaasahang magtatala ng landslide win

By Rhommel Balasbas October 23, 2017 - 01:08 AM

 

Inaasahang magtatala ng landslide victory si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at ang kanyang ruling coalition sa naganap na National Elections kahapon.

Ito ang lumalabas sa exit polls na isinagawa ng Japanese media na NHK kung saan lumalabas na mapapanatili ang two thirds ng kanyang Liberal Democratic Party (LDP) sa mababang kapulungan.

Nasa 253 hanggang 300 seats sa kabuuang 465 ang inaasahang makukuha ng LDP.

Samantalang ang Komeito Party naman na nakipag-alyansa rin sa LDP ay inaasahang makakakuha ng 27 hanggang 36 seats.

Hindi naman final results ang exit polls at inaasahang makukuha ang official count ngayong araw ng Lunes.

Ayon kay Abe, ang resulta ng nasabing exit polls ay patunay lamang na sinusuportahan ng mga mamamayan ang kanyang mga polisiyang ipinatutupad at sumasang-ayon sa kanyang pamumuno.

Sakaling manalo, haharapin anya niya ito nang mapagkumbaba at mas seryosong manunungkulan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.