Ayon kay Divina, sumali siya sa nasabing fraternity noon pang taong 1986.
Sa mga panahong iyon aniya ay nakilala ang Aegis Juris dahil sa pagtataguyod nila ng academic excellence.
Karamihan aniya kasi sa kanilang mga miyembro noon ay pawang mga dean’s listers, at habang siya ay naging valedictorian, isa pa nilang miyembro ang itinanghal namang salutatorian at isa pa ang naging third honorable mention.
Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senado tungkol sa pagkamatay ng law student na si Horacio “Atio” Castillo III, inihayag niyang ilang miyembro ng fraternity ang pinatalsik niya sa faculty of law noong nakaraang taon.
Dahil aniya dito, kinaiinisan na siya ng ilang miyembro ng fraternity.
Sa katunayan ay ang kanilang pinuno ngayon na si Arvin Balag at isa pang miyembro na si Jose Miguel Salamat ay nasa Lyceum University of the Philippines-College of Law na naka-enroll nang maganap ang hazing kay Atio.