Ginebra, isang panalo na lang para magkampeon sa PBA

By Rhommel Balasbas October 23, 2017 - 12:38 AM

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Nagpaparamdam ang Barangay Ginebra na makukuhang muli ang kampeyonato sa PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos talunin ng koponan ang Meralco sa iskor na 85-74 sa kanilang game 5 na naganap sa Philippine Arena kagabi.

Malaki ang naitulong ng conference best player na si Greg Slaughter sa Ginebra matapos palakasin ang depensa na naglimita sa Meralco sa 5 field goals sa unang 15 minuto pa lamang ng laro.

Samantala, pinangunahan naman ni Justin Brownlee ang koponan matapos magtala ng 20 points at 12 rebounds na sinundan ni LA Tenorio na may 17 points.

Nagtala naman si Allen Durham ng 27 points at 19 rebounds para sa Meralco.

Overwhelmed at hindi naman makapaniwala si Ginebra Coach Tim Cone matapos maging record-breaking ang naging laban.

Nagtala ang Game 5 ng 36, 445 attendance record na pa pinakamalaki sa kasaysayan ng PBA Finals.

Samantala, sa Miyerkules na magaganap ang do or die game ng dalawang koponan pabor sa Ginebra.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.