UP talo sa UST sa pagpapatuloy ng UAAP 78

 

Kuha ni Tristan Tamayo/inquirer.net

Tinalo ng University of Santo Tomas o UST Growling Tigers ang University of the Philippines o UP Fighting Maroons sa men’s basketball tournament sa UAAP Season 78 ngayong hapon.

Sa iskor na 67-59, nagwagi ang UST habang bigo ang UP na makatatlong panalo para sa naturang season.

Dahil dito, ang UST ay nananatiling undefeated sa team standing na 3-0, samantalang 2-1 naman ang UP.

Nakuha naman ni Ed Daquioag ng UST Growling Tigers ang pinakamataas na puntos na 27.

Kapwa naman nag-trending sa Twitter ang hashtags na #GoUSTE at #UPFight.

 

Read more...