Ex-Bgy. Captain sa Basilan, pinugutan

By Jay Dones October 23, 2017 - 12:19 AM

 

Pinugutan na ng ulo ng hindi pa nakikilalang salarin ang dating barangay chairman sa lalawigan ng Basilan.

Natagpuan ang katawan ng biktimang si Hadji Najir Bohong, sa Barangay Mahatallang, sa bayan ng Sumisip, Basilan Linggo ng umaga.

Sabado ng hapon nang umalis ng bahay ang biktima upang maghanap ng panggatong ‘di kalayuan sa kanilang tahanan.

Kinabukasan na ng alas 11:00 ng umaga natagpuan ang walang ulong katawan ng biktima.

Inaalam pa ng mga otoridad ang posibleng motibo sa likod ng pagpatay at pagpugot sa ulo ng biktima.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.