Putin, posibleng hindi makadalo sa ASEAN meeting

By Jay Dones October 23, 2017 - 12:26 AM

 

Malaki ang posibilidad na hindi makadalo sa Association of Southeast Asian Nations summit (ASEAN) sa Nobyembre si Russian President Vladimir Putin.

Dito sa bansa gagawin ang ASEAN Leaders Meeting sa susunod na buwan na dadaluhan ng mga lider ng iba’t-ibang mga bansa sa Asya at mga kaalyadong bansa sa mundo.

Ayon kay Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev, inaasahang dadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders’ summit si Putin na gaganapin sa Vietnam sa November 11-13.

Pagkatapos nito, lilipat ang mga lider sa Angeles, Pampanga upang dumalo sa East Asia Summit ng ASEAN.

Gayunman, sa halip na ito ang pumunta, malimit na ipinapadala ni Putin si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa mga pagpupulong ng East Asia Summit ng ASEAN.

Ito aniya ang paraan ng ‘distribution of powers and responsibilities’ sa kanilang bansa kaya’t hindi dapat madismya ang publiko kung hindi makadalo si Putin sa ASEAN meeting.

Matatandaang makailang ulit na pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidente Putin sa kanyang mga nakaraang talunmpati.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.