Trump, pabubuksan ang ‘classified’ JFK assassination files

By Justinne Punsalang October 22, 2017 - 10:01 PM

 

Walang balak si United States President Donald Trump na harangin ang nakatakdang pagre-release ng mga government documents patungkol sa pagpatay sa dating pangulo ng Estados Unidos na si John F. Kennedy.

Sa isang Tweet, sinabi ni Trump na papayagan niya ang pagbubukas ng mga dokumentong matagal nang ikinukonsiderang classified.

Ayon kay Judge John Tunheim, malaki ang posibilidad na wala namang malaking rebelasyong ilalabas ang mga naturang JFK files.

Ngunit ayon sa sa mga JFK scholars at sa direktor ng University of Virginia Center for Politics at may-akda ng libro tungkol kay Kennedy na si Larry Sabato, ang mga dokumento ay pwedeng magbigay-linaw tungkol byahe ni Lee Harvey Oswald sa Mexico City.

Si Oswald ang tinuturong pumatay sa dating pangulo ng Estados Unidos.

Maraming conspiracy theories tungkol sa pagkamatay ni JFK, kabilang na dito ang teoryang pinasimulan umano ito ng Central Intelligence Agency o CIA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.