Butuan Bishop Pueblos, pumanaw na

By Justinne Punsalang October 22, 2017 - 08:09 PM

 

Mula sa CBCP News

Pumanaw na ang obispo ng Diocese of Butuan at Agusan sa loob ng 21 taon na si Bishop Juan de Dios Pueblos sa edad na 74.

Alas sais bente kagabi nang namayapa si Bishop Pueblos sa loob ng Cardinal Santos Medical Center.

Tikom naman ang bibig ng mga miyebro ng simbahan tungkol sa detalye ng kalusugan ng obispo bago ito namatay.

Maging ang tagapagsalita ng diocese na si Reverend Father Michael Abellanosa ay hindi nagbigay ng pahayag tungkol sa kundisyon ni Bishop Pueblos.

Samantala, ayon kay Auxiliary Bishop Emeritus ng Butuan na si Zacarias Jimenez, posibleng mayroong liver cirrhosis ang obispo pero hindi ito pumayag na magpagamot sa ospital.

Huli na lamang umano nang malamang leukemia pala ang sakit nito.

Sa ngayon ay bakante ang naiwang posisyon ng obispo.

Sa Miyerkules, October 25 magsasama-sama ang mga ‘board of consulters’ na binubuo ng walong church leaders para maghalal ng pansamantalang hahalili sa naturang posisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.