Mag-asawa pinatay sa harap ng simbahan sa Pangasinan

By Chona Yu September 13, 2015 - 04:49 PM

 

urbiztondo pangasinan
Mula sa Google Maps

Patay ang mag-asawa matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa harap ng simbahan sa Urbiztondo, Pangasinan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Arturo at Delia Pinto ng Barangay Malayo.

Ayon kay Chief Inspector Wilfredo Cabanayan, police chief ng Urbiztondo, minamaneho ni Arturo ang kanyang tricycle at sakay ang asawang si Delia.

Magsisimba sana ang dalawa nang biglang pagbabarilin si Arturo na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Tinangka naman ng biktimang si Delia na tumakbo subalit binaril din ito ng suspek.

Naisugod pa sa ospital si Delia at nasabi pa ang pangalan ng suspek na si Tyron Velasquez.

Agad namang nagsagawa ng follow-up oepration ang mga pulis dahilan para maaresto si Velasquez sa kanyang tahanan sa Barangay Dalanguiring.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, away sa lupa ang ugat ng pamamaril.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.