Isang low pressure area (LPA) na nasa labas ng bansa ang binabantayan ngayon ng PAGASA.
Ayon kay PAGASA meteorologist Gener Quitlong, maaring maging bagyo ang LPA na nasa Pacific Ocean.
Dagdag ni Quitlong, posibleng tahakin ng bagong bagyo ang mga lugar na dinaanan ng Bagyong Paolo na ngayon ay nasa Japan na.
Gayunman, sinabi ni Quitlong, malabong mag-landfall ang naturang LPA sakaling maging bagyo ito.
Samantala, sinabi ni Quitlong na ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang nagdudulot ng mga pag-ulan sa Bicol region, Eastern Visayas at Palawan.
MOST READ
LATEST STORIES