Bagong batch ng mga sundalo galing Marawi, dumating na

By Justinne Punsalang October 22, 2017 - 03:58 AM SHARE(S):
Larawan ng unang batch ng mga sundalong dumating noong Biyernes

Lumapag na sa Villamor Airbase ang panibagong batch ng mga sundalo galing Marawi City.

Ayon kay Major Albert Estabilla na siyang assistant director ng Public Information Office ng Philippine Air Force, bandang ala una cuarenta y cinco nang lumapag sa Villamor ang CI-30 cargo plane.

Laman ng naturang eroplano ang 119 sundalo na pawang mga miyembro ng Philippine Army at Philippine Marines.

Mayroon lamang silang sampung araw para makapagpahinga at makasama ang kani-kanilang mga pamilya, bago muling sasabak sa trabaho para sa ASEAN Leadership Summit na gaganapin simula November 14, 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.