Ayon kay Villafuerte, isa nang national security risk ang climate change dahil nagdudulot ito ng panganib sa kaligtasan ng publiko at sinusubok ang pagpapanatili ng food supply at lagay ng ekonomiya.
Anya, hindi maisasakatuparan ng administrasyon ang layuning progresibo at inklusibong paglago ng ekonomiya hangga’t hindi kayang humarap ng bansa sa mga weather patterns na pinalalala ng climate change.
Ayon sa mambabatas, 4 na porsyento ng GDP ang nalulugi sa sa tuwing may mapinsalang bagyong dadaan sa bansa.
Layon ng panukalang batas na ilagay sa ilalim ng isang kagawaran ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR), Climate Change Commission (CCC), People’s Survival Fund (PSF) at maging ang recovery and rehabilitation efforts para sa mga biktima ng Yolanda.