Pagbuo sa “Department of Climate Change”, iminungkahi ng isang mambabatas

By Rhommel Balasbas October 22, 2017 - 03:52 AM

Iminumungkahi ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte ang pagbuo sa “Department of Climate Change” na mangangasiwa at magpapalakas sa pagharap ng bansa sa mga natural disasters and calamities.

Ayon kay Villafuerte, isa nang national security risk ang climate change dahil nagdudulot ito ng panganib sa kaligtasan ng publiko at sinusubok ang pagpapanatili ng food supply at lagay ng ekonomiya.

Anya, hindi maisasakatuparan ng administrasyon ang layuning progresibo at inklusibong paglago ng ekonomiya hangga’t hindi kayang humarap ng bansa sa mga weather patterns na pinalalala ng climate change.

Ayon sa mambabatas, 4 na porsyento ng GDP ang nalulugi sa sa tuwing may mapinsalang bagyong dadaan sa bansa.

Layon ng panukalang batas na ilagay sa ilalim ng isang kagawaran ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR), Climate Change Commission (CCC), People’s Survival Fund (PSF) at maging ang recovery and rehabilitation efforts para sa mga biktima ng Yolanda.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.