Dead-end streets, bawal na sa Marawi – Escudero

By Justinne Punsalang October 22, 2017 - 02:42 AM

Hindi na dapat pang magkaroon ng mga kalye na dead-end sa loob ng Marawi City.

Ayon kay Senador Francis Escudero, sa mga blueprint ng rehabilitasyon ng naturang lungsod ay dapat magkaroon ng mga kalyeng bukas sa lahat ng lagusan.

Aniya, kung magiging bukas ang mga kalsada sa lungsod, mas madaling makakapasok ang mga basic services, mas madali ring makikilala ang mga lugar, maging ang mga buhay ng mga residente ay mapapagaang rin.

Ani Escudero, matatandaang isa sa mga naging balakid ng mga sundalong lumalaban sa loob ng lungsod ang hindi deretso at puro dead-end na mga kalye at oportunidad ito para sa pamahalaan na isaayos ang mga naunang pagkukulang sa lungsod.

Samantala, iminungkahi sa lokal na pamahalaan ng Lanao del Sur ni Architect Felino Palafox Jr. na gawing isang historic memorial ang mga guho sa lungsod para magsilbing leksyon sa mga susunod na henerasyon kung ano ang nagagawa ng terorismo sa isang mapayapang lungsod.

Si Palafox ang isa sa mga tutulong sa pagrerehabilitate ng Marawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.