Brazil, nagsagawa ng major anti-pedophilia operation, 108 arestado
Arestado ang 108 katao sa isinagawang pinakamalaking operasyon ng pulisya kontra pedophiles sa Brazil.
Isinagawa ang operasyon matapos ang imbestigasyon na tumagal ng anim na buwan sa tulong ng mga immigration officials mula US at Europe.
Naaresto ang mga suspek mula sa 24 states ng bansa kabilang na ang capital nitong Brasilia.
Ayon kay Justice Minister Torquato Jardim, ang mga naaresto ay miyembro ng sindikatong nagpapakalat ng pornographic pictures ng mga bata sa pamamagitan ng computer at mobile phones.
Nasamsam ng mga imbestigador ang aabot sa mahigit 150,000 files na naglalaman ng maseselang larawan.
Naaccess ang mga nasabing files sa pamamagitan ng “dark web” na hindi kalimitang nakikita o naaabot ng mga search engines.
Kabilang sa mga naaresto ay mga dating pulis, kawani ng gobyerno at ilang mga namumuno sa mga football youth clubs.
Hindi pa naman matukoy kung ang sindikato ay nagooperate lamang sa Brazil o may koneksyon din sa ibang mga criminal networks sa ibang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.