Russia, siniguradong walang ‘hidden agenda’ ang pagdodonate ng armas

Nilinaw ng delegado ng Russia na walang ‘hidden agenda’ ang kanilang pagbibigay ng mga armas sa Pilipinas.

Ayon kay Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev, handa ang kanilang bansa na tumulong sa Pilipinas at sa kampanya nito laban sa terorismo.

Pinuri rin ni Khovaev ang pagkakalaya ng Marawi City mula sa kamay ng mga ISIS-inspired Maute terror group.

Sinabi rin ni Khovaev na walang ‘political conditionalities’ ang pagbibigay nila ng armas. Aniya, ito ang ‘fundamental principle’ ng kanilang military cooperation sa mga foreign partners.

Matatandaang dalawang Russian Navy destroyers ang dumaong sa Manila South Harbor noong Biyernes para sa isang goodwill visit sa bansa hanggang sa darating na Huwebes.

Ang mga lamang special military equipment ng ngaturang navy vessel ay ibibigay ng Russia sa Pilipinas.

Read more...