13 katao, namatay dahil sa paghagupit ni Bagyong Paolo

By Justinne Punsalang October 22, 2017 - 02:28 AM

Labingtatlong katao na ang naitalang namamatay dahil sa paghagupit ni Bagyong Paolo.

Kabilang sa mga namatay ang isang lalaki sa Lanao del Norte matapos siyang mabagsakan ng puno na tumumba, dulot ng malakas na hanging dala ng bagyo.

Samantala, hindi naman bababa sa 40 kabahayan ang nasira dahil sa lakas ng mga pag-alon sa Bonggao sa Tawi-Tawi.

Dahilan ito upang magsilikas ang 200 mga pamilya sa tatlong mga barangay sa naturang bayan.

Sa Sipalay City naman sa Negros Occidental, nahihirapang mailigtas ng mga rescuers ang mga na-trap na residente dahil sa paglagi ng tubig sa ilog.

Kaya naman gumamit na lamang ng mga lubid at salbabida ang mga rescuers para masagip ang mga residente.

Tumaas rin ang tubig sa ilog sa bayan ng Ilog sa Negros Occidental pa rin, dahilan para magkaroon ng ga-tuhod na pagbaha sa ilang mga barangay.

Sa Pigcawayan, Cotabato naman, binaha rin ang mga palayan sa lugar dahil sa mga malalakas na pag-ulan dulot ni Bagyong Paolo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.