Gobernador ng Negros Oriental, sinuspinde ng Sandiganbayan
Ipinagutos ng Sandiganbayan ang 90 araw na suspensyon kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ito ay kaugnay ng hinahaharap na alegasyon ni Degamo sa paggamit ng bahagi ng 480.7 milyong pisong calamity funds na kinansela na ng gobyerno noong 2012.
Pinangunahan ni DILG-Central Visayas Director Rene Burdeos ang pagsisilbi ng suspension order kasama sina DILG Provincial head Dennis Quiñones at hepe ng Negros Oriental na si Sr. Supt. Edwin Portento.
Kasalukuyang nakaupo bilang acting governor ng lalawigan si Negros Oriental Vice Gov. Edward Mark Macias.
Ayon sa resolusyong inilabas ng Sandiganbayan Third Division, dapat suspendihin ang isang opisyal kapag ito ay nahaharap sa maanomalyang paggamit ng pondo o pagmamay-ari ng pamahalaan.
Nahaharap si Degamo at ang dalawa pang kawani ng lokal na pamahalaan sa kasong “graft” at 11 counts ng “malversation of public funds through falsification of public documents”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.