Huli itong namataan sa layong 1,190km east northeast ng Basco, Batanes at inaasahang tuluyan na itong makakalabas ng PAR ngayong umaga.
Sa huling abiso ng PAG-ASA, asahan na ang katamtaman hanggang sa mabigat na mga pag-ulan sa loob ng 1,900km diameter ng naturang bagyo. P
inalalakas din ni Bagyong Paolo ang southwesterly winds kaya magkakaroon ng mahina hanggang sa katamtaman, na paminsan ay mabigat na mga pag-ulan sa Mindanao, Western Visayas, at Palawan dulot ng thunderstorms.
Wala namang nakataas na tropical cyclone warning signal dulot ng naturang bagyo.