Taas-presyo sa produktong petrolyo, asahan sa darating na linggo

Inaasahang magkakaroon ng pagtataas ng presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Nasa pagitan ng 50 hanggang 60 sentimo kada litro ang itataas sa halaga ng gasolina, gayundin sa magiging dagdag sa presyo ng kerosene.

Maglalaro naman sa 30 hanggang 40 sentimo ang madadagdag sa sa presyo ng diesel sa pagpasok ng panibagong linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE) pwede pang magbago ang idadagdag sa halaga ng mga produktong petrolyo, depende sa trading activities nitong Biyernes na malalaman pa lamang sa Lunes.

Sa huling tala, nasa pagitan ng P31.15 hanggang P36 ang presyo ngayon ng diesel kada litro, habang P40.55 hanggang 50.55 naman kada litro ang gasolina.

Read more...