Pilipinas interesadong mag-host ng FIBA World Cup 2023
Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagho-host ng Pilipinas sa International Basketball Federation (FIBA) World Cup sa 2023.
Ipinahayag ni Presidential Spokeperson Ernesto Abella na suportado ni Duterte ang inisyatibo nina Samahang Basketbol ng Pilipinas Chairman Manuel Pangilinan at SBP President Al Panlilio.
Ayon kay Abella, isang bihirang pagkakataon ito.
Aniya, sa tulong nito ay magkakaisa ang bansa at magkakaroon ito ng magandang epekto sa basketball at turismo.
Naipasa na ng SBP ang bid nito at malalaman ang resulta nito sa katapusan ng taon.
Sasama rin sa bidding para sa naturang event ang Indonesia at Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.