Japan inalerto sa pagpasok ni isang super typhoon Lan

By Den Macaranas October 21, 2017 - 04:37 PM

NOAA

Naghahanda na ang Japan sa pagpasok sa kanila ng super typhoon Lan.

Tinawag ng Japan Meteorology Agency na “very large” at “very strong” ang nasabing bagyo na tina na Paolo ng ito ay nasa Philippine Area of Responsibility pa.

Sa pinakahuling weather bulletin sa Japan, namataan ang nasabing bagyo sa Pacific waters ng Southern Japan ay mayroon itong lakas na umaabot sa 250 kilometers per hour.

Ang Joint Typhoon Warning Center ng U.S. Navy ay nagsabi na nga nasabing sama ng panahon ay isang super typhoon.

Inaasahang tatama si typhoon sa Lan sa Okinawa bukas araw ng Linggo at didiretso sa Tokyo at kalapit na mga lugar sa araw naman ng Lunes.

Ngayon pa lang ay nagbabala na ang mga opisyal sa Japan na mag-ingat sa nasabing bagyo na nagkataong nasabay naman sa pagsasagawa ng kanilang eleksyon bukas.

TAGS: Japan, lan, NOAA, Paolo, super typhoon, Japan, lan, NOAA, Paolo, super typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.