Maiksing bakasyon okay lang sa mga sundalong napalaban sa Marawi City

By Mark Makalalad October 21, 2017 - 01:54 PM

Inquirer photo

Walang nakikitang problema ang Philippine Army sa maikling pahinga na ipagkakaloob sa mga sundalo ng 1st Infantry Batallion na kakauwi lamang sa Maynila mula sa bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Philippine Army Spokesperon Lt. Col. Ray Tiongson, sanay naman na mag-adjust ang kanilang hanay at kahit saan naman sila ipadala ay tiyak na tatrabahuhin nila ito.

Una nang inanunsyo na nakatakdang tumulong ang 1st IB sa pagbibigay ng seguridad sa gaganaping 31st ASEAN Summit dito sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Sila kasi ang magsisilbing ‘augmentation force’ ng Presidential Security Group.

Sasailalim din sila sa training kasama ang mga miyembro ng Australian Armed Forces.

Paliwanag ni Tiongson, mataas ang morale ng kanilang hanay at sasamantalahin na lang umano nila ang maikling panahon na ibinigay sa kanila para makapagpahinga.

Samantala, Mula sa halos limang buwan na pakikipagbakan sa Marawi City, sama-samang nag-boodle fight ang mga sundalo ng 1st Infantry Batallion ng Philippine Army makaraang bumalik sa Maynila.

Pinagsaluhan ng mahigit 100 sundalo ang simpleng hapunan na naglalaman ng pritong isda, itlog na pula, talong na may bagong, saging at kanin.

Kasama rin ng ilan sa mga sundalo ang kanilang asawa at anak sa boodle fight.

Ayon kay Tiongson, simbolismo ng ‘unity’ at ‘camaraderie’ ang boodle fight kung saan mapapakita ang pagsasamasama ng isang unit.

Sa ngayon, mamahinga muna sa kani-kanilang mga bahay kasama ng kanilang pamilya ang mga sundalo.

TAGS: AFP, duterte, Marawi City, Maute, tiongson, AFP, duterte, Marawi City, Maute, tiongson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.