Ang panukala ay inihain mismo ni House Speaker Pantaleon Alvarez na naglalayong magkaroon ng “civil partnerships” ang mga LGBT couples.
Sa ilalim ng House Bill no. 6595, o Civil Partnership Act, pagkakalooban ng kaparehong karapatan at benepisyo ang LGBT couples.
Magkakaroon din sila ng “rights to a child,” at “interstate succession or inheritance.” Sa ilalim ng panukala, maaaring pumasok sa civil partnership sinumang LGBT na nasa edad na 18 o higit pa at hindi kasal sa iba.
Kinakailangan din nilang magsama sa iisang bubong sa loob ng dalawang taon at ipaalam sa publiko ang pagsasama.
Ang maaaring magkasal ay mga administering officers na pinapayagan sa ilalim ng Article 7 ng Family Code pero ang mga pari ay bibigyan naman ng kalayaan na mamimili kung nais nila o hindi na mag-officiate ng seremonya.
Bukod kay Alvarez, kasama sa may akda ng batas sina Reps. Geraldine Roman ang kauna-unahang transgender na mambabatas; Raneo Abu; Frederick Abueg; Len Alonte-Naguiat; Sandra Eriguel; Gwendolyn Garcia; Sharon Garin; Victoria Isabel Noel; at Eric Singson.