Grupo na magbabantay laban sa mga tiwaling negosyante binuo
Nagsanib pwersa ang isang grupo ng mga mamimili para labanan ang pang-aabuso ng malalaking negosyante.
Layon ng binuong grupo na tatawaging Suki ng Bayan o Samahan at Ugnayan ng mga Konsumer para sa ikauunlad ng Bayan na protektahan ang pangunahing interes ng publiko at mga mamimili laban sa panglalamang.
Ayon kay Grace Chua, miyembro ng nasabing grupo partikular nilang babantayan ang singil sa kuryente, presyo ng mga pangunahing bilihin at ibang singilin.
Dagdag pa ng dating mambabatas at miyembro din ng Suki ng Bayan na si Neri Colmenares, hindi dapat ipinapapataw sa publiko ng malalaking kumpanya ang buwis na dapat ay sila ang sumasagot.
Bukod sa mga bilihin at serbisyo, babantayan din ng grupo ang mga singil sa pasahe ng MRT at LRT maging ang pasahe sa pampublikong sasakyan gaya ng jeepney at bus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.