Bangkay ng napatay na si Isnilon Hapilon nagpositibo sa DNA test ng FBI
Kinumpirma ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na bangkay nga ng lider ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon ang isa sa mga napatay ng tauhan ng militar sa Marawi City noong Lunes.
Sinabi ni Defense Spokesperson Arsenio Andolong na ipinarating sa kanila ng FBI ang resulta ng isinagawang DNA test sa mga bangkay ni Hapilon samnatalang isusunod naman ang kay Omar Maute.
“We have received an official report that the US Federal Bureau of Investigation (FBI) has confirmed that the DNA sample taken from a body recovered by our operating units in Marawi matches that of Isnilon Hapilon. This process of verification is also being conducted on the cadavers of the other terrorists that have been recovered so far”, ayon sa maiksing pahayag ng opisyal.
Inaasahan naman na sa mga susunod na oras ay ilalabas na rin ang resulta ng DNA test sa bangkay ni Maute.
Ang FBI ay may reward sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ni Hapilon na $5 Million.
May tinapatan naman ito ng Philippine government ng P7 Million at P10 Million naman mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang Maute brothers naman ay may patong na P5 Million para sa kanilang ikadarakip kada isa.
Nauna nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na mapupunta sa civilian informants ang nasabing reward.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.