Pagbulusok ng ekonomiya ng bansa ibinabala

By Jimmy Tamayo October 21, 2017 - 11:04 AM

Inquirer photo

Hindi malayong mabansagang “4th World country” ang Pilipinas dahil sa pagiging kulelat ng ating Stock Exchange.

Kung ikukumpara kasi sa ibang mga bansa sa Asya, pinaka-mababa at pinaka-kaunti ang mga kumpanyang nakalista sa PSE.

Aabot lamang sa 269 companies ang nakalista sa Philippine Stock Exchange na lubhang mababa kung ikukumpara sa Malaysia na nasa 900 at sa Singapore naman ay nasa mahigit 700.

Katunayan, mas kakaunti ang sa Pilipinas kung ikukumpara sa Vietnam gaya sa Hanoi na mayroong 379 at sa Ho Chi Minh City na nasa 340.

Dahil dito, nangangamba si dating PSE President Francis Lim – hindi malayong bumagsak sa pinakamababang antas ang Pilipinas o 4th World lalot nasa isang porsiyento lang ang namumuhunan sa Stock exchange kumpara sa ibang mga bansa.

Tinukoy din ni Lim ang kawalan ng suporta mula sa pamahalaan at ang mataas na buwis na ipinapataw sa mga bumibili ng stocks.

TAGS: pse, stocks, trading, pse, stocks, trading

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.