Pondo sa pagbuhay sa Bicol Express aprubado na ng NEDA
Aprubado na ng National Economic and Development Authority ang proyekto para sa upgrade ng Philippine National Railway (PNR).
Aabot sa P10.2 Billion ang inisyal na pondo ng nasabing proyekto na bubuhay sa tinaguriang Bicol Express.
Sa Panayam, sinabi ni Camarines Sur Cong. Gabriel Bordado na tutulong ang House Committee on Transportation para mas higit na mapadali ang nasabing proyekto.
Ayon kay Bordado, isang world class train system tulad ng nasa U.S, Canada at iba pang bansa ang balak nilang maging mukha ng bagong PNR system.
Mismong si Vice President Leni Robredo at mga opisyal ng Department of Transporation ang nanguna na pagpapaliwanag ng nasabing proyekto sa NEDA Board.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bubuhayin sa loob ng kanyang termino ang rehabilitasyon ng mga tren ng PNR at kasama na rin dito ang plano sa pagtatayo ng hiwalay na train system sa Mindanao region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.